Mga Bagay na Puwedeng Magamit Uli

Maraming mga bagay na akala ng tao ay patapon na ngunit ang hindi nila alam ay marami pang puwedeng gawin sa mga bagay na ito na inaakala nilang basura na na kailangan na nila itapon.Ngunit di nila alam ito ay atin pang puwedeng pag kakitaan.

1.Ang mga ilang bagay na iyong binili sa tindahan ay puwede pa itong pakinabangan.

2.Mga bagay na hindi nabubulok gaya ng plastic,styro,at mga papel

3.Ang basyo o pinaglagyan ng isang bote na maliit ng tubig ay maari itong magamit uli sa pamamagitan ng recycle.

4.Isa pa itong ginagawang hanap buhay ng mga taong kapos o mga taong nais makatulong sa kalikasan.

5.Gaya ng iniipon nila ito upang makagawa ng panibagong produkto upang maibenta muli.

6.Ang ilang straw ng softdrinks ay nagagawa din parang halaman upang ito ay ibenta kahit sa maliit na halaga lang.

7.Ang ibang papel naman o diyaryo ay ginagawa ding recycle gaya ng mga bagay na pang dekorasyon o mga display sa bahay binebenta din ito ang papael ay minsan ginagawa itong swan.na pang diplay sa bahay,

8.Ang ibang guro naman ay pinapagawa ng mga recycling ang kanilang mga estudyante upang hangga’t bata pa sila ay alam na nila kung paano ang mag recycle sa pamamagitan ng mga pag disenyo sa mga bagay na patapon na gaya ng bote ng mineral water, diyaryo,pinag lumaang mga kuwaderno.

9.Ang ibang mga basahan ay nagagawaan pa ng panibagong istilo upang maibenta muli.

10.Ang ibang bag ay gawa din sa recycle binebente ito sa di kamahalang presyo.

11.Ang mga lata ay maari ring gawin isa pang produkto upang pagkakitaan.

12.Lata na pinaggamitan na itatapon na ay puwede pa itong gawaan ng panibagong pagkakakitaan kagaya ng irecycle ito kagaya ng gawin itong lagayan ng munting bulaklak upang idisplay sa isang lamesa.

13.Kung mayroon din tira pang kuwaderno noong ikaw ay nag-aaral pa maaari mo pa din itong mga gamit sa muli mong pag aaral piliin ang mga pahinang wala pang sulat at ito ay pag ipon ipunin magiging isa na ito uling maganda at bagong kuwaderno nakatipid kapa sa pera di mo na kailangan bumili pa sapagkat na irecycle mo na iyong mga tira o pinaglumaang mga  kuwaderno.

14.Ang mga maliit na bagay na akala ng mga tao na wala ng halaga ay nagkakamali dahil kahit basura na ay nagagawaan pa ng paraan upang maging hanap-buhay at makatulong sa atin kalikasan.

15.Recycle ay napakahalaga dapat itong tangkilikin ng ating mga mamamayan.

16.Upang mabawasan na ang basura sa ating kapaligiran na nagdudulot ng pagbaha sa ilang mga karatig na lugar.

17.Magtayo ng samahan upang marami ang mahikayat at maisama sa programa na recycle ng sa ganoon marami ang makaisip ng recycle at gawin din nila ito o ituro sa kanilang iba pang mga kakilala.

18.Upang maraming tao ang magpahalaga sa inaakala nilang basura na ay kaya mo pang gawin hanap-buhay at makatulong sa ating kalikasan.

19.Mag ipon ng mga bagay na puwedeng irecycle,ng sa ganoon ay  kapag madami na ito marami kang magagawa na recycle upang maitinda at para kumita ng pera.

Comments are closed.