1. Una kapag naramdaman nang may lindol, huwag nang umalis sa pwesto.
2. Pumunta sa isang siguradong lugar at umupo lang.
3. Huwag hahayaan na ikaw ay tatayo at lalakad pa kapag may lindol, mag hanap kaagad at mag isip kung saan pwedeng sumilong, upang hindi malaglagan nang anung mang bagay na mahuhulog mula sa itaas.
4. Importanteng protektahan una ang ulo. Kung may nakitang lamesa o upuan, mag tago sa ilalim nito at takpan ang ulo.
5. Iwasan at huwag mag panic. Kailangan ay relax ka lang upang ikaw ay hindi na mataranta pa pag nag karon nang lindol.
6. Kung ikaw ay may mga kasama kailangan ay hindi kayo mag ka hiwahiwalay. Dahil delikado kapag kayo ay nag kahiwahiwalay, mahihirapan kayong hanapin ang isat isa.
7. Siguraduhin din na ang sinisilungan ninyo o pinag tataguan ay matibay.
8. Kung wala naman makita na lamesa o upuan na pwedeng pag taguan, maari na kamay na lang ang ipang takip sa ulo.
9. Iwasan din na pumuwesto sa isang lugar na may mga ilaw, dahil baka mabaksakan ka nito.
10. At kung ikaw naman ay na istranded sa isang mataas na building, huwag nadin tumakbo pa, dahil delikado at baka madisgrasya pa.
11. Hintayin na lang na huminto ang lindol at mga reresponding mga pulis at ambulansya na tutulong sa mga na trap.
12. Kung nag mamaneho naman at naabutan nang lindol sa kalsada. Huwag nang tumuloy mag maneho.
13. Mas makakabuti at magiging ligtas kapag hinto ang pag mamaneho at itinabi sa isang ligtas na lugar ang iyong sasakyan.
14. Iwasang ipwesto ang iyong sasakyan sa tabi nang mga poste dahil baka ito ay bumagsak at mabagsakan ang iyong kotse o sasakyan.
15. Kung naabutan naman nang lindol sa kalsada at kasalukuyan nag lalakad. Huwag nang mag tangkang lumakad pa o tumakbo dahil mas delikado. Mas mabuti kung ikaw ay uupo na lang tatakpan at poprotektahan ang iyong ulo nang saganon ay hindi madisgrasya.
16. Kailangan na maging alerto sa mang yayari dahil meron mga hindi inaasahan na mangyayari tulad nang lindol.
17. Kailangan din na malakas ang pakiramdam at mag masid sa paligid at sa tumingin sa itaas, upang makita at malaman kung may babagsak bang bagay, upang nang saganon ay madali kang makaka iwas.
18. Tignan at mag masid sa bawat paligid, para malaman kung may nangngailangan ba nang tulong.
19. Kapag naramdaman na wala nang lindol umalis agad sa pwesto at mag hanap nang mas ligtas na lugar at ipag bigay alam agad ang nangyari.
20. Kung lumilindol pa at may naiwanan na gamit huwag nang mag tangka na balikan pa ito kung hindi naman kito importante.
21. Kung na trap naman sa isang mataas na building ipag bigay alam agad ito o tumawag sa mga kaibigan, kakilala na ikaw ay naiwan sa building.
22. Kung hindi alam ang gagawin sa sobrang takot dahil sa lakas nang lindol, ang gagawin lang ay una kailangan ay huwag kang niyerbusin o mag panic.
23. Iwasan na pumuwesto sa isang lugar na may ilaw o kuryente. O mga mayron na gamit na babasagin.
24. Mag punta agad sa ilalim nang lamesa upang makapag tago at ma iligtas ang sarili.
25. Ugaliing laging maging alerto sa mga hindi inaasahang pang yayari.
26. Kailangan ay mapag handaan ang mga ito, kailangan siguraduhin na ang inyong bahay ay matibay ang pondasyon nang bawat poste at ang pag kakagawa nito. Upang hindi kaagad ito masira.
27. Mag tabi din nang sapat na ipong pera at mga pag kain para sa hindi na mga inaasahan na pang yayari.
28. Ugaliing tiyakin na ang lahat nang iyong miyembro ay magiging ligtas klapag nag karon nang mga sakuna tulad nang pag kakaron nang malakas na lindol, ulan o bagyo at pati na ang pag baha.
29. Nang sa ganon ay handa ka sa lahat nang bagay kung ano9 man ang dumating na sakuna.
30. At alam mo kung ano ang dapat mong gawin.