1.Maghanap muna ng lugar kung saan ang pinaka malapit o murang upahan ng iyong nais na opisina.
2.Dapat maging mabusisi sa paghahanap ng opisina dahil maraming opisina ang hindi maganda ang pagkakagawa ng pundasyon ng mga bawat palapag ng gusali.
3.Kung sakaling ikaw ay hahanap ng iyong bagong opisina tignan kung ang lugar na iyon ay matraffic upang sa ganoon ay makagawa ka ng paraan para hindi mahuli sa pagpasok sa opisina.
4.Tignan kung may guwardiya sa iyong nais na bagong opisina.Upang maging ligtas ang bawat tao na umuupa sa opisina.
5.Siguraduhing may mga fire exit ang bawat palapag ng opisina.Upang sa di inaasahang insedenteng magkaroon ng sunog ay alam mo na kung saan ka pupunta para makalabas ng gusali ng opisina.
6.Tignan din kung may parking sa gusali ng opisina na nais mo upahan.
7. Alamin kung ano ang mga kalapit nitong gusali na puwedeng maging iyong palatandaan kung sakaling ikaw ay mawala o maligaw .
8.Alamin kung ang gusali ng opisina na iyong nais upahan ay may permiso sa mga kinauukulan.
9.Siguraduhing ang lahat ng mga dokumento o papeles ng mga mahalagang nakalagay sa dati mo opisina ay nakaimpake na o nakalagay na sa isang lalagyan upang di ito makalimutan.
10.Ipag-bigay alam din sa iyong mga kliyente na ikaw ay nakahanap na ng panibagong opisina.
11.Gumawa din ng mga panibagong calling cards isa rin itong paraan upang mabilis matuntun ang iyong opisina na bago.
12.Alamin din kung ang lugar na iyon ay binabaha ng sa ganoon ay makagawa ng paraan upang hindi malunod mag aral lumangoy.
13.Tignan ang bawat palapag ng gusali kung mayroon itong mga fire extinguisher upang pamatay sa apoy o sunog na hindi inaasahan.
14.Kailangan magkaroon ng mahalaga at masusing ideya na ang eksaktong halaga ng espasyo ng lugar na kailangan mo sa araw na ito at dapat iniisip mabuti.
15.Kailangan din may kakilala ka na tutulong sa iyo upang makipag-ayos tulad ng mga bagay na leases at presyo sa upahan.
16.Tandaan bago ka pumirma sa anumang mga bagay siguraduhin na mayroon kang masusing unawa sa lahat ng mga gastos ng may-ari ng lupa ang inaasahan sa iyo.
17.Bago ka pumasok sa isang lease alamin kung ang may -ari ay handang makipag- ayos sa halaga ng upa.
18.Tandaan dapat may sobrang ipon upang makag upa ng magandang opisina na gusto mo.
19.Dapat suriin din ang halaga laban sa mga lokalida upang siguraduhin na ang upa ay hindi nakakaapekto sa ibang mga pondo sinadya para sa mga resources ng opisina.
20.Sa ganitong paraan maaari ka ring kumuha ng mas mura ang upa ngunit maganda at matibay ang mga pasilidad o palapag ng bawat gusali ng opisina.
21.Marapat tignan mabuti na kung ang bawat palapag o gusali ng opisina ay matibay ang pagkakagawa upang sa kaligtasan ng lahat kung sakali magkaroon ng disaster gaya ng lindol.
22.Tignan din kung may mga surveillance camera upang makita na kung may pumasok na mga masasamang tao upang magnakaw sa opisina.
23.Alamin din kung may malapit na police station ng sa ganoon maisusuplong agad ang mga taong gagawa ng krimen o hindi maganda sa loob ng opisina,para alam mo na may malapit na police station na pagdadalahan o pagsusumbungan sa mga taong masasama.