1.Alamin muna kung mayroon bang permit ang building nila. At siguraduhin na ito ay legal.
2.humingi nang katunayan na ito ay may permiso sa kinauukulan. Kailangan din na meron kang pipirmahan na mga papers o kasunduan.
3.Kung tugma lang ba ang singil nilang renta sa kanilang pinauupahan.
4.Dapat ding siguraduhin kung maganda, matibay at maayos ang pag kakagawa nang building.
5.Alamin kung ligtas ba ang lugar o lokasyon kung wala bang krimen na naganap. At kung may sapat na seguridad. Upang malaman kung ikaw ba ay ligtas.
6.Tiyakin din kung mayroon silang sapat na pasilidad. Alamin din kung binabaha ba ang lugar o hindi, kapag nag karoon nang malakas na bagyo.Dahil mas maganda na maaga palang ay alam mo na upang mapag handaan mo ang mga ganitong pang yayari.
7.Ipag tanung din kung meron ba itong sapat na daanan pag nag karoon nang sunog. At mga sapat na kagamitan tulad nang fire distinguisher pamatay nang sunog.
8.Alamin din kung meroon bang malapit na police station sa lugar na iyon upang pag nag karoon nang problema ay madali mo itong mairereport sa mga police.
9.Alamin din kung madalas din bang nag kaka roon nang nakawan, patayan o holdapan sa lugar na iyon.
10.Tignan din kung meron bang malapit na tindahan, upang kapag may mga nais kang bilihin ay madali mo itong mabibili.
11.Para kung sakali ikaw ay magutom madali kang makabili nang iyong pagkain.
12.kilalanin din nag mga taong kasama sa loob nang building upang kapag ikaw ay nag karoon nang problema alam mo kung sino at saan ka magtatanong.
13.Tignan din ang kwarto na nais maging opisina mo kung ito ba ay may tamang laki at maluwag.
14.Upang alam mo kung tama lang ba ito sa mga gamit na ilalagay mo.
15.Tignan din kung malinis ba ang mga palikuran.
16.Alamin kung may mga patakaran ding ipinapatupad sa loob at labas nang building.
17.Alamin din kung meron bang sapat na seguridad sa parking lot.Alamin din kung 24 oras ba ang bantay nang building para kung sakaling ikaw ay mag over time alam mo na mayroon pang gwardya sa groundfloor.
18.Icheck din na kung sakaling nag karoon nang brown out ay kung meron ba silang sapat na generator.
19.Alamin din kung ito ba ay malapit sa botika upang kapag ikaw ay nag kasakit nang hindi inaasahan madali kang makabibili nang iyong gamot.
20.Alamin din kung madali bang makasakay sa lugar na ito o makahanap nang sasakyan. At hindi mahirap makasakay.
21.Alamin din kung madalas bang mag karoon nang traffic.
22.Suriin din kung matao ba sa lugar na ito.
23.Siguraduhin din na ito ay naayon sa iyong gusto na maging opisina at maganda ang kalidad.
24.Kung ang building na nais mong rentahan ay pasado na sa lahat at maganda ang seguridad at pasilidad ito ay maari mo nang rentahan.