Maraming dahilan ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Maaari itong mamana o maaari din sa kapabayaan sa kalusugan. Ang mga sumusunod ay ang posibleng paraan upang makaiwas sa sakit sa puso.
1. Upang makaiwas sa mga sakit, ugaliin ang pagpunta sa inyong doktor upang matignan ang iyong kalagayan.
2. Dapat kumain ng tama. Kainan ang mga pagkain na may nutrisyon.
3. Ugaliin ang pagkain ng gulay lalo na ung mga kulay berde tulad ng malunggay, repolyo at madami pang iba.
4. Dapat may mga bitamina kang iniinom upang makaiwas sa sakit sa puso.
5. Palaging uminom ng tubig dahil ito ay nakakatulong sa paglinis ng ating katawan at ito rin ay nagsisilbing gamot sa iba’t ibang karamdaman.
6. Palaging kumain ng prutas dahil ito ay mainam sa ating katawan. Siguraduhin na palaging kumakain ng saging, abokado, at pinya dahil ito ay nakakapagpababa ng ating blood pressure.
7. Ugaliin ang pageehersisyo upang makaiwas sa sakit sa puso.
8. Matulog ng tama upang makaiwas sa stress na isang dahilan sa pagkakaron ng sakit.
9. Iwasan ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng sakit sa ulo at stress.
10. Siguraduhing magpatingin sa doktor kung may historya ng sakit sa puso ang iyong pamilya dahil posible mo itong mamana.
11. Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.
Read More