Paano nga ba mapapakinabangan ulit at makabuo sa mga gamit na patapon na at hindi na pwede pang magamit, tulad nang mga plastic na bote(mineral bottle,stayro cups, stayro plates,mga sirang tv,electricfan,mga basyo at mga delata, etc..)
Ang mga bagay na ito ay maari pang magamit muli at mapakinabangan at maging dekorasyon sa loob at labas nang inyong tahanan. Tulad nang mga patapon nang mga bote nang tubig.
1.Hugasan muna ito at siguraduhin na malinis at patuyuin.
2.Ito ay maari nang magamit muli at lagyan nang tubig. Maari itong magamit para makaipon nang tubig.
3.O hindi kaya naman ay maari din itong gawing pang dekorasyon sa inyong mga sala.
4.Hatiin lang sa gitna ang bote at guptit gupitin ang bawat gilid hanggat maging muka itong bulaklak. Siguraduhin din na ang bawat dulo nito ay hindi na matulis.
5.Sumunod naman ay tiklopin o irolyo ang mga dulo nito hanggat mag muka itong may bilog sa bawat dulo.Mapapansin na ang inyong ginawa ay naka buka at nag mukhang bulaklak.
6.Pag katapos ay kung meron din kayong mga patapon na mga dyaryo o mga magazine ay pwede itong pambalot saq bote. Mas maganda kung gagamitin na papel ay makulay. Ibalot lang ito sa bote at mag kakaroon na ito nang damit.
7.Pag katapos balutan ang katawan nang bote, ay isunod ang mga tangkay na nagawa at balutan din ito,subalit ibang papel din naman ang gagamitin. At maari mo na itong ilagay sa inyong sala at maari nadin lagyan ito nang mga holen,ballpen o kung anuman nag nais ninyong ilagay na sa tingin ninyo ay ikagaganda din.
8.Maari din itong gamitin at gawing paso. kung ang bote ninyo ay 1.5 mas maaganda at mataas.
9.hugasan lang muli ito at patuyin pati narin nag takip nito.
10.Gumamit nang cutter upang mag karoon ito nang malaking butas sa gitna. Kung gagawa nang butas ay yung tama lang ang laki.
11.Pag katapos din nito ay kumuha naman nang pako na maliit at gumawa nang mga maliliit na butas nito sa ilalam o sa kabila na ginawang butas na malaki. Tusukin lang ito gamit ang pako, mag butas lang ng sampu (10). upang may madadaanan nang tubig kapag nag dilig.
12.Pag katapos ay gumawa din nang butas gamit ang pako sa mag kabilang dulo nang bote.
13.Kapag nagawan na ito nang butas, lagyan na ito nang alembre sa mag kabilang dulo. Upang mag karoon ito nang hawakan o sabitan.
14.Pag natapos na itong gawin, maari na itong lagyan nang lupa at mag tanim tulad nang mongo.
Sumunod naman ang mga gamit nang stayro cups, stayro plates at mga disposable na kutsara at tinidor. Maari din itong maging dekorasyon. Lalo na ngayon ay nalalapit na ang pasko. Maari din gumawa nang sarili ninyong parol na naaayon sa inyong gusto at sa disenyo.
1.Kunin at ipunin ang mga nabanggit na gamit. Hugasan muna ito at patuyuin.
2.Pagkatapos ay kumuha nang isang stayro cups at tatlong disposable na kutsara at tatlo din na disposable na tinidor.
3.Pag katapos ay itusok ang kutsara at tinidor hanggan sa mag muka itong tangkay nang bulaklak. Kailangan ay salitan ang pag lagay nang kutsara at tinidor o alternate.
4.Pag natapos na mailagay ang mga ito isunod na ang paper plates. Kumuha din nang anim na piraso at ilagay sa tuktok nang mga kutsara at tinidor. At idikit ang mga ito gamit ang tape.
5.Mapapansin na nakabuo nang isang malaking hugis parol. Pag katapos nito ay maari na itong balutan o lagyan nang disenyo na iyong nais.
6.At kumuha nang maraming makukulay na papel at lukutin at puluputin nang pahaba. Gumawa nang sasakto para sa anim na paper plates.
7.Pagka tapos ay ipalibot na ito sa gilid nang paper plate at idikit gamit ang glue.
8.Pag tapos naman ay isunod ang mga kutsara at tinidor. Lagyan nang glue ang paligid nang mga ito at saka lagyan nang mga glitters na ang kulay ay red at green.
9.Gumawa rin nang butas sa likod nang isang paper plate at lagyan ito nang alambre, upang maari na itong isabit sa inyong pintuan.
Simple lang ang pag gawa o pag recycle muli nang mga bagay na patapon na. Kung talagang nais na makabawas sa basura at makatulong sa kalikasan umisip nang paraan na makakatulong sa ating kalikasan. Nakatulong ka na makabawas nang basura napaganda mo pa ang inyong tahanan, sa loob man o sa labas. At hindi ka na kailangan na gumastos pa nang malaki.